TV

EXCLUSIVE: Jett Pangan celebrates 30 years with The Dawn

By MARAH RUIZ

Ipinagdiriwang ng Filipino rock band na The Dawn ang kanilang 30-year anniversary sa industriya ngayong taon.

Kaya naman busy sila sa mga concert at tours para i-celebrate ang kakaibang milestone na ito sa kanilang career. 

Eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang lead vocalist nitong si Jett Pangan.

"The Dawn is, this year, celebrating 30 years. We actually had three major shows to celebrate that. We have one coming on November 5 sa Music Museum—a repeat of our successful concert called 'Trenta,'" kuwento niya.

Bukod sa dito, may plano din daw silang maglabas ng isang album o kaya single. 

"We might also write new song for maybe a single or an album. Celebration mode kami ngayon. Wow, 30 years! Tagal na 'di ba?" aniya. 

Anong klaseng kanta naman ang nais nila para sa kanilang ika-30 taon sa industriya?

"That's a good question because we've practially written everything. 14 albums na kami and we've written a lot of songs about friendship and all that," panimula niya bago tumigil nang sandali para mag-isip.

"Hindi namin alam kung saan pupunta 'yung [song]. Basta kung single lang, we want something na lahat makakarelate. Everyone can sing it. Everyone can love it. By that, I mean kahit executive ka sa bangko o yosi vendor ka, gusto ko, gusto namin, kinakanta mo 'yung kanta because you like it because it speaks to you," pagpapatuloy niya. 

Bukod sa pagiging busy sa 30th year celebration kasama ang kanyang banda, kasama din si Jett sa cast ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat. 

"Busy kami ngayon! Busy kami touring, but of course there's always time to do this because this is something I love," paliwanag niya tungkol sa schedule niyang magiging puno ng salitang taping days at concert days. 

Makakasama niya dito sina Eula Valdes, Snooky Serna, Ariel Rivera, Marc Abaya, Joyce Ching, Kristoffer Martin at marami pang iba. 

Abangan ang Hahamakin Ang Lahat, October 31 na sa GMA Afternoon Prime!

MORE ON HAHAMAKIN ANG LAHAT:

Hahamakin Ang Lahat: Dakilang pag-ibig na tatawid sa susunod na henerasyon

WATCH: Relationship advice mula sa cast ng 'Hahamakin Ang Lahat'

EXCLUSIVE: Ariel Rivera, back in GMA thanks to 'dear friends'