Showbiz News

Marian Rivera, dinalaw ng mga malalapit na kaibigan sa kanyang bahay

By MICHELLE CALIGAN

Naudlot man ang pagiging bahagi ni Marian Rivera sa primetime series na The Rich Man's Daughter dahil sa kanyang pagbubuntis, hindi naman nagbago ang pagiging malapit niya sa kanya sanang mga co-stars.

READ: Marian Rivera, inaming nanghihinayang sa 'The Rich Man's Daughter'

Nitong Martes, October 18, sunod-sunod nag-post sina Marian, Glaiza de Castro, Katrina Halili, Chynna Ortaleza at Sheena Halili sa kanilang Instagram accounts ng bonding nila sa bahay ng Kapuso Primetime Queen.


"Salamat sa pagdalaw, ang dami kong tawa sa inyo... Ang saya lang!" saad ni Marian sa caption.

Sina Glaiza at Sheena, ibinida pa ang mga pagkaing inihanda ni Marian para sa kanila.

Sa posts nina Katrina at Chynna, makikita namang tatlo sa kanila ay may hawak na manika na kunwari ay mga anak nila.


Noong nakaraang taon ay nagkaroon din ng get-together ang magkakaibigan bago ipanganak ni Marian si Baby Zia.

READ: Marian Rivera spotted bonding with ‘The Rich Man’s Daughter’ girls

MORE ON MARIAN RIVERA:

Marian Rivera shines as new color ambassador for a cosmetic company

'Yan ang Mommy!: Marian Rivera nag-breastfeed kay Baby Zia sa airport