Showbiz News

Regine Velasquez-Alcasid, may mensahe kay Sunshine Dizon sa pagbisita sa 'Sarap Diva'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ngayong darating na Sabado ng umaga, October 22, makakasama ni Regine Velasquez-Alcasid sina Sunshine Dizon at Sherilyn Reyes para sa isang hugot weekend.

WATCH: Sarap Diva: Nagmahal, nasaktan, humugot!

Ayon sa post ng Sarap Diva, isa itong tell-all interview kasama ang Cooking Diva. 

"Mapapaamin ni Cooking Diva Regine ang mga babaeng malalim ang mga pinaghuhugutan na sina Sunshine Dizon at Sherilyn Reyes sa isang Tell-All interview! Abangan!"

Bukod sa tell-all interview, muling magpapakita si Sunshine ng kanyang cooking skills matapos niyang isali ang isa sa kanyang mga recipes sa Bongga sa Kusina cookbook. 

Sa Instagram account naman ni Sunshine, ibinahagi niya ang mensahe ng Asia's Songbird.

Ani Regine, "Dear Sunshine, Alam ko na may mabigat kang pinagdadaanan sa ngayon. All I can do for you is pray. Thank you for being part of our show."

Panoorin kung ano ang pag-uusapan nina Regine at Sunshine at ang pagkain na kanilang pagsasaluhan sa hugot weekend ng Sarap Diva.

MORE ON REGINE VELASQUEZ-ALCASID AND SUNSHINE DIZON: 

LOOK: Sunshine Dizon graces magazine cover, opens up about moving on

Regine Velasquez-Alcasid, inalala ang kanyang ama na si Mang Gerry sa kanyang kaarawan