Showbiz News

LOOK: Mga bigating personalidad, kabilang sa entourage nina Alden Richards at Maine Mendoza

By CHERRY SUN

Bukas, October 22, ay magaganap na ang kinapapanabikang kasalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kalye-serye segment ng Eat Bulaga. At siyempre ang bonggang wedding na ito ay hindi rin palalagpasin ng mga bigating personalidad.

Ibinahagi sa kalye-serye ngayong araw, October 21 ang mga kabilang sa entourage ng kasalang Richards-Mendoza.

May tatlong pares ng ninong at ninang sina Alden at Maine. Principal sponsors nila sina Helen Gamboa at Mike Enriquez, Margot Torres at Joey de Leon, at Irma Adlawan at Elmer Villasanta.

Si Rodjun Cruz ang pinangalanang Best Man ni Alden habang ang kapatid ni Maine na si Nicoleen Mendoza ay ang kanyang Maid of Honor. Groomsmen ni Tisoy sina Tommy Penaflor, Joel Palencia, Kim Last at Jon Timmons. Samantala, sina Janicka Mendoza, Janeeva Verceles, at Katrina Nicolas ang mga bridesmaids ni Meng.

Star-studded din ang secondary sponsors ng AlDub. Sina Miggy Tolentino at Taki Saito ang kanilang Candle sponsors, sina Kenneth Medrano at Toni Aquino naman ang Veil sponsors at sina Jake Ejercito at Aicelle Santos ang kanilang Cord sponsors.

Ring Bearer si Bae-by Baste, Coin Bearer si Sandro Sotto, at Bible Bearer si Samsam Arumpac. Sina Ryzza Mae Dizon, Scarlette Mago at Olivia Mago naman ang Flower Girls.


MORE ON ALDEN RICHARDS AND MAINE MENDOZA:

WATCH: Alden Richards at Maine Mendoza, kumpirmadong bibida sa soap opera

IN PHOTOS: Ang mga Babae sa Buhay ni Alden Richards

LOOK: 15 sweetest and most candid moments of AlDub