Showbiz News

Ryza Cenon, thankful na mapabilang sa pelikulang 'Ang Manananggal sa Unit 23B'

By FELIX ILAYA

Kakatapos lang ng QCinema Film Festival 2016 at isa sa mga pelikula na lumahok dito ay "Ang Manananggal sa Unit 23B" na pinagbidahan ni Ryza Cenon at Martin del Rosario.

Masayang-masaya si Ryza na maging parte siya ng pelikulang ito kaya't taos-puso niyang ipinaabot ang kaniyang pasasalamat sa isang Instagram post.

 

Aniya, "Ngayong gabi natapos ang screening ng "Ang Manananggal sa unit 23B," at ito na ang pagkakataon ko [upang] magpasalamat sa lahat. Una sa lahat, gusto kong magpasalamat kay Lord [dahil] ibinigay niya sakin 'tong blessing na 'to dahil matagal ko [itong] ipinagdasal sa kanya na makuha ko at ibinigay niya sakin. Salamat din sa QCinema for recognizing me [at] isa ako sa [mga] nominated bilang Best Actress. Sa bumubuo ng "Ang Manananggal sa Unit 23B," salamat sa pag-aalaga sa akin at sa paniniwala na kaya kong ilipad si Jewel pataas at nalipad ko nga siya! Sa mga co-actors ko, Tita Vangie congrats po, Martin, and Cholo, salamat rin sa support. Hindi magiging makulay ang buhay ni Jewel kung hindi dahil sa inyo."

 

Proud din si Ryza, not only for herself and her team, kung hindi para sa bumubuo ng QCinema na nagsagawa ng isang matagumpay na film festival.

"Hindi ko ma-explain 'yung saya na nararamdam ko ngayon dahil first time kong movie 'to at ang daming magagandang reviews. Ganito pala 'yung feeling. Ang sarap na nakakaiyak [na] nakakaproud. Para na rin akong nanalo. Sobrang proud ako, hindi lang sa Team Manananggal kung hindi sa lahat ng entries ng QCinema dahil napuyat, naghabol, at naghirap tayo pero lahat lumaban," sabi ng Kapuso actress.

Kinongratuleyt din naman si Ryza ng kaniyang mga kapwa artista na sina Rocco Nacino at Angeli Bayani.

 

 

MORE ON RYZA CENON:

 

WATCH: Ryza Cenon and Martin Del Rosario star in a dark and sexy film, "Ang Manananggal sa Unit 23B"

Ken Chan, Bea Binene, and Ryza Cenon, kasama sa upcoming 'Enteng Kabisote' movie

Ryza Cenon holds first art exhibit