Showbiz News

EXCLUSIVE: Betong Sumaya nagkuwento kung papaano dinamayan ng buong 'Tsuperhero' cast si Alma Moreno sa pagsubok na kinakaharap nito

By AEDRIANNE ACAR

Proud ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya na kasama siya sa pinakabagong superhero/comedy series na Tsuperhero na pagbibidahan nina Derrick Monasterio at Bea Binene na malapit ng mapanood dito sa GMA-7.

Sa exclusive interview ni Betong habang nasa pictorial para sa Bubble Gang 21st Anniversary special sa GMA Network compound, nagkuwento ito kung gaano siya excited na mapasama sa ganitong project.

Ani Betong, “Sobrang nakaka-flatter, actually flattered na flattered ako sa nangyayari at the same time siyempre proud din ako na nakasama ako dito. Sabi nga 'di ba walang small roles eh, small actors lang. So, ‘yung role ko naman dito kahit papaano mararamdaman naman nila [laughs]. At the same time palagi kong ka-eksena si Mr. Gabby Concepcion kaya medyo nakakatuwa,”

Natanong din ng GMANetwork.com kung papaano dinamayan nila Betong at Tsuperhero cast ang co-star nila na si Ms. Alma Moreno, matapos pumutok ang balita nang pagkakahuli ng anak nito na si Mark Anthony Fernandez ng mga awtoridad matapos mahulihan ng illegal na droga sa Pampanga.

Kuwento ng magaling na comedian, “Actually nung first taping day ‘yun ‘yung time na kakahuli lang ni Mark [Anthony Fernandez] eh, so parang kami, kasi gabi ko po siya makaka-eksena dun that time parang hindi ko alam kung paano mo, kung paano mo ba siya ia-aproach.”

“Actually ang ginawa lang namin lahat is hindi na namin tinanong siya. Parang pinaramdam na lang namin siguro ‘yung parang pag-yakap ‘yung ganun. Kasi ang hirap nung pinagdadaanan niya siyempre at the same time ‘yung eksena pa namin sa presinto talaga,”

Hanga din daw si Betong sa professionalism ng veteran actress.

 “Pero kita mo naman talga si Ms. Alma [Moreno] talagang very professional nagawa niya pa rin.”

MORE ON 'TSUPERHERO':

EXCLUSIVE: Alma Moreno opens up about her son Mark Anthony Fernandez a week after he was arrested

Bea Binene on the DerBea love team: "Hindi kami scripted"

EXCLUSIVE: Derrick Monasterio ramdam ba ang pressure na maka-trabaho si Michael V sa 'Tsuperhero?'