Showbiz News

EXCLUSIVE: Jak Roberto on his bashers, 'Normal naman 'yun I think'

By AEDRIANNE ACAR

Super blessed ang Kapuso hottie na si Jak Roberto sa dami ng projects na ginawa niya this 2016.

Bukod sa napapanood siya sa Bubble Gang at Dear Uge, naging parte rin siya ng katatapos pa lamang na serye niya sa URL (Usapang Real Love), kung saan kasama niya sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jak sa Bubble Gang 21st anniversary pictorial ngayong Lunes ng umaga, October 24, ipinagpapasalamat ng guwapong binata sa Poong Maykapal ang lahat ng blessings na tinatamasa niya.

Aniya, “God is good all the time. Sobrang happy ko this year ito nga sunod-sunod guesting na project. Ito nga Dear Uge 'tsaka itong Bubble Gang. So, malaking bagay ‘yun na ako kasi trabaho lang. Sabi ko magka-regular na work lang, kasi para masaya [laughs] para tuloy-tuloy ‘yung work, ‘yun ang gusto ko. Tapos hindi ko naman inexpect na sunod-sunod [na] magkakaroon ng mga guestings.”

Nag-open up din si Jak patungkol sa mga naging bashers niya lalo na at gumanap siyang third wheel sa love team ng BiGuel sa URL.

Papaano kaya niya hinarap ang mga negative comments ng mga fans ng BiGuel?

Kuwento ng Kapuso actor, “Normal naman ‘yun I think. Lagi kong sinasabi naging supporter din ako ng mga artista, naging fan din ako, naging supporter din ako. So parang, ganun talaga 'pag lalo na die-hard, lalo na 'pag love team. Naiintindihan ko sila, ramdam ko sila, ganun talaga ang mga fans. Ang isang fan na sumusuporta sa idolo, ganun talaga naiintindihan ko sila dun.”

Handa rin daw si Jak na mas ma-challenge pa sa kaniyang trabaho. Kaya kung mabibigyan ng pagkakataon ay sana mabigyan daw siya ng chance na magbida sa isang project next year.

“Sana next year mabigyan ako ng chance na mag-bida. Kasi itong buong year nagkaroon naman ako ng project, pero third wheel ganun. Eh gusto ko pa ‘yung ma-challenge, gusto [kong] nacha-challenge talaga. Sana mabigyan ako ng chance na magbida this coming 2017.”

MORE ON JAK ROBERTO:

20 Cosmo bachelors of your dreams

IN PHOTOS: 18 showbiz hunks with the yummiest biceps

Jak Roberto celebrates 100K followers on Instagram with a sexy selfie