Showbiz News

Paolo Contis, may mensahe sa kanyang 'Papsy'

By MICHELLE CALIGAN

Bukod sa pagiging magaling na dramatic actor, bihasa rin sa pagpapatawa si Paolo Contis. Hanggang ngayon ay napapanood siya sa longest-running comedy show na Bubble Gang.

READ: 'Galawang Hokage' video ni Paolo Contis kay Kim Domingo umabot na sa 2M views

Sa isang Instagram post. ibinahagi ng Alyas Robin Hood actor kung sino ang naging inspirasyon niya sa pagpasok sa mundo ng komedya.


"#MentorMonday para sa aking pinaka iniidolong komedyante!! Ikaw ang aking inspirasyon sa pagpapatawa... sana proud ka sa akin Papsy!!" saad ni Paolo sa caption, pertaining to the late comedian Babalu.

Matatandaang gumanap bilang mag-ama sina Paolo at Babalu sa dating sitcom na Oki Doki Doc, at Papsy ng tawag ni Paolo sa kanya.

MORE ON PAOLO CONTIS:

EXCLUSIVE: Paolo Contis believes that clean cops still exist

LJ Reyes congratulates rumored boyfriend Paolo Contis for new show 'Alyas Robin Hood'