Showbiz News

Aiai Delas Alas, nawala sa character nang maghalikan ang AlDub sa kanilang kasal

By MICHELLE CALIGAN

Inabangan ng AlDubNation ang kasal nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Kalyeserye ng Eat Bulaga nitong Sabado, October 22. Tulad ng dati, nag-trend sa Pilipinas at worldwide ang hashtag na #AlDubWedding.

LOOK: #AlDubWedding tops Worldwide and Philippines Twitter trends

Isa sa mga natuwa sa kanilang pag-iisang dibdib ay si Aiai Delas Alas, na gumaganap bilang ang lola ni Alden na si Lola Babah.


Sa isang panayam with the Comedy Concert Queen, kilig na kilig daw siya sa nangyaring kasalan.

"Actually nung naghalikan sila talagang kinikilig ako, grabe. Palakpak nga ako ng palakpak kasi antagal nilang nag-kiss eh."

WATCH: Alden Richards and Maine Mendoza's lip-lock at #AlDubWedding

Dagdag pa niya, bilang Aiai Delas Alas na daw ang reactions niya. "Hindi na si Lola Babah 'yun, totoong buhay na I'm happy for them, doon sa eksena na 'yun, nakakatuwa."

Ayon kay Aiai, maraming natutunan ang mga manonood sa love story ng AlDub.

"Ay oo, sa buhay natin marami talagang naituro ang Kalyeserye. Andiyan ang tamang panahon, paghihintay sa pag-ibig. tapos ang matrimonya ng kasal. Napakasagrado talaga nun. Kapag kinasal kayo, kayo na forever."

Nakatakdang lumipad si Aiai patungong Texas, USA ngayong linggo para sa Adobo Festival.


MORE ON AIAI DELAS ALAS:

WATCH: Aiai Delas Alas, noon pa raw napatawad si Kris Aquino

Aiai delas Alas, pinangalanang Papal awardee