Showbiz News

'Wowowin,' kinilalang Best Game Show ng PMPC Star Awards

By CHERRY SUN

Kinilalang Best Game Show ng PMPC Star Awards for Music and Television ang Wowowin.

Ginawaran ang Kapuso variety game show ng parangal noong October 23, kasabay ng ilan pang artists at programs mula sa GMA Network. Ang co-host ni Willie Revillame na si Ariella Arida ang tumanggap ng award para sa Wowowin.


“Yayyy thank you PMPC for recognizing Wowowin as the Best Game Show!! Congratulations Kuya Wil and to all the staff of the show,” ani Ariella sa kanyang Instagram post.

“Salamat rin po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa Wowowin! Mahal namin kayong lahat! Asahan niyo na patuloy pa ang pamimigay namin ng kasiyahan sa inyong lahat at ng jacket,” dugtong niya.


Nagpaabot din ng pasasalamat ang isa pang Wowowin co-host na si Kimchi.


Congratulations, Kapuso!

MORE ON 'WOWOWIN':

WATCH: Willie Revillame reunites with Luningning, Milagring and Mariposa

WATCH: DonEkla, ang bagong funny tandem sa 'Wowowin'