TV

Joyce Ching on her bikini scene in 'Hahamakin Ang Lahat': 'Parang nagdalawang-isip ako'

By AEDRIANNE ACAR

Guest ang Kapuso love team na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin sa hit afternoon radio program nina Papa Kiko at Mama Emma na Talk To Papa ngayong hapon, October 25.

Dito nag-promote sila ng kanilang pinakabagong afternoon serye na Hahamakin Ang Lahat. Natanong sila ng mga Kapuso DJ na sina Papa Kiko at Mama Emma sa mga magiging role nila sa show.

Naikuwento ng Kapuso sweetheart na si Joyce Ching na exicted siya para sa bago nilang project ni Kristoffer dahil ito na ang simula ng pagganap nila ng mas mature roles.

Paliwanag ni Joyce, “Nung una po natuwa ako kasi ang hirap nga talaga tumawid from being a tween to not being a tween. At 'tsaka ‘yung mga characters na ginagawa namin parang nagiging push and pull.”

“Parang oh sige bata siya dito, tapos sa next soap medyo mature. Tapos biglang bata uli, so ito noong inexplain siya sa amin talagang ito na ‘yung start nang pagma-mature. Wala ng balikan.”

Pero umamin si Joyce sa mga Talk to Papa hosts na may isa siyang eksena na sobrang iniyakan sa Hahamakin Ang Lahat.

“So natuwa ako, na-excite talaga ako kasi para maiba rin ‘yung image namin sa mga tao dahil nga 21 years old na kami, hindi na kami parang 16 ganyan. Pero nung magtu-two piece na parang nagdalawang-isip ako (laughs). Pero taping na eh (laughs)… Parang awa n'yo na po manood [kayo ng] Hahamakin Ang Lahat, iniyakan ko po ito,” anang Kapuso actress.

Masaya naman ang leading man ni Joyce na si Kristoffer Martin na nakasama niya sa ganitong klaseng project ang magandang dalaga na dating niyang ex-girlfriend.

Ayon sa guwapong aktor, wala na raw naging ilangan sa kanila at maganda rin daw ang kanilang chemistry sa soap.

“Good thing talaga na kasama ko si Joyce Ching. 'Tsaka kasi ano ako kasi 'pag personally 'pag 'yung eksena na ‘yun ginawa sa ibang tao, baka mailang pa ako eh. Advantage na si Joyce ‘to kasi kilala namin [ang] isa’t isa. Alam namin kung saan aatake, kung saan ‘yung kahinaan ng isa dun ka susuportahan. Kumbaga maganda sa aming dalawa, binabalanse namin kasi parehas. Sa sobrang pagkakilala namin sa isa’t isa, kung paano ‘yung sa personal namin pagkakilala, pati sa work is madali siyang i-blend.”

MORE ON 'HAHAMAKIN ANG LAHAT':

WATCH: Kristoffer Martin and Joyce Ching's daring scenes for upcoming GMA show 'Hahamakin Ang Lahat'
 
WATCH: Relationship advice mula sa cast ng 'Hahamakin Ang Lahat'