Showbiz News

WATCH: Camille Prats, bakit iniiwasan ang mga kissing scenes?

By BEA RODRIGUEZ

“Mommy, sino ang hinahalikan mo sa TV?” ang tanong na iniiwasan ni Kapuso mom Camille Prats mula sa kanyang eight-year-old son na si Nathan pagdating sa showbiz career nito. 


Tapos na ang kanyang prime time sa industriya, “So far, nagawa ko naman lahat ng mga gusto kong gawin although siyempre meron nang mga restrictions. ‘Pag single ka and when you’re younger, lahat puwede [gawin tulad ng] kissing scenes. Lahat naman ‘yun parang napagdaanan ko rin.”
 
READ: Camille Prats, ninakawan daw ng halik noong siya ay bata pa?
 
Iba na raw kasi talaga kapag isang working mom. Aniya, “Ngayon, nasasabi ko na may konting limitations na. If it’s a drama show, we focus on that, pati na rin the roles that are given to me. ‘Yung nababagay din na kaya kong gawin, hindi ‘yung hihingan ako ng hindi ko rin kayang gawin.”
 
WATCH: Camille Prats and son Nathan do the #FettyWapChallenge
 
Hindi dahil engaged na ang Mars host sa kanyang fiancé na si VJ Yambao kaya ayaw niya nang sumabak sa mga ganong aktingan. Ibinahagi niya sa programa, “That’s not because pinagbabawalan ako, it’s just that, hindi na rin kasi ako comfortable.” 


Hinahayaan lang raw siya ng kanyang soon-to-be husband sa kanyang karera bilang isang aktres, “Never ko pa naman na-experience na gipitin ka at pagbawalan ka to do certain things that you want to do at never naman akong na-force into choosing between pursuing a dream or the man that I am with.”
 
LOOK: Camille Prats, ginamit na ang kanyang married name