Showbiz News

READ: Derrick Monasterio, umamin na puwede silang maging more than friends ni Bea Binene

By AEDRIANNE ACAR

Hindi malabo na madevelop ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio sa kaniyang kapareha na si Bea Binene sa bagong Pinoy superhero comedy adventure na Tsuperhero na mapapanood na sa susunod na buwan.

Sa grand press conference ng Tsuperhero na ginawa sa 17th floor ng GMA Network Center noong October 26, sinabi ni Derrick na ngayong 21 years old na siya ay naghahanap na siya ng isang serious relationship.

Paliwanag ni Derrick, “Kasi nung bata ako malandi po ako eh. Alam n'yo naman 'pag teenager, alam n'yo ‘yung mga gusto mga walang commitment mga ganun-ganun lang. Ngayon, parang kailangan ano na, parang may someone to depend on [na] may ganung pananaw.”

Aminado rin ang Kapuso hunk na may posibilidad na maging more than friends silang dalawa.

“Iba ‘yung tingin ko sa kaniya kaysa sa mga ibang love teams ko. Kasi sa mga ibang love teams ko, talagang parang super tropa. Siya parang feeling ko may chance baka in the future parang ganun.”

Para naman kay Bea na wala rin daw imposible kung sakaling mauwi sa totohanan ang kanilang on-screen sweetness. 

“Nothing is impossible. Siguro masasabi ko lang na we're enjoying each other’s company.”

MORE ON 'TSUPERHERO':

Bea Binene on the DerBea love team: "Hindi kami scripted"

EXCLUSIVE: Betong Sumaya nagkuwento kung papaano dinamayan ng buong 'Tsuperhero' cast si Alma Moreno sa pagsubok na kinakaharap nito

EXCLUSIVE: Gabby Concepcion pahinga muna sa mga heavy drama roles