Showbiz News

WATCH: Marian Rivera, lucky charm si Baby Zia at simpleng birthday lang ang ibibigay sa anak

By AL KENDRICK NOGUERA

Dahil sa dami ng blessings na natatanggap ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, itinuturing na raw ng Kapuso Primetime Queen na isang lucky charm si Baby Zia.

Ilan lamang sa tinutukoy ni Marian na blessings ay ang kanyang bagong endorsement at ang patuloy na pamamayagpag ng pinagbibidahang teleserye ni Dingdong na Alyas Robin Hood.

LOOK: Marian Rivera signs new endorsement with a canned vegetables brand

"Sobrang lucky charm yata namin si Zia. Sobrang saya na nga namin na dumating siya sa buhay namin tapos sobrang blessings pa 'yung nangyayari sa 'min dahil sa kanya," bahagi ni Marian sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.

Samantala, malapit nang magdiwang ng kanyang first birthday si Baby Zia. Ayon sa Kapuso mom, isang simpleng kaarawan lamang ang ihahandog nila sa anak.

"Hindi naman maaalala ni Zia 'yung party na ibibigay namin sa kanya so mas maganda na itotoong party namin siya kapag na-a-appreciate niya [na] 'yung mga bagay-bagay," paliwanag ni Marian.

Panoorin ang kabuuan ng interview:


Video courtesy of GMA News

 

 

MORE ON MARIAN RIVERA:

 

 

LOOK: Marian Rivera's Facebook page reaches 18 million likes

LOOK: Ang mga bisita ni Dingdong Dantes sa set ng 'Alyas Robin Hood'

Marian Rivera and Bianca Gonzalez's daughters are purely breastfed