Showbiz News

Chef Boy Logro on winning awards: 'Parang isang panaginip na po'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Chef Boy Logro sa mga taong patuloy na nagbibigay suporta sa kanya at sa kanilang show na Idol sa Kusina lalo na't kinilala siya bilang Most Influential Chef ng Kung-Gihan Awards of 2016 from Lyceum University-Laguna.

'Idol sa Kusina' at Chef Boy Logro, nakatanggap ng local at international awards

Kuwento ni Chef Boy, "Parang isang panaginip na po kasi nga hindi ko ini-expect na makatanggap ako ng ganito kasi iniisip ko nga Bisaya ako. And then, hindi ko akalain na na-appreciate nila 'yung mga ginagawa natin."

Bukod sa kanyang parangal, pinarangalan rin ang Idol sa Kusina ng Certificate for Creative Excellence from the US International Film and Video Festival at Excellence Award for Cooking Program mula sa Kung-Gihan Awards 2016 of the Lyceum of the Philippines University–Laguna 

Ayon kay Chef Boy, hindi siya halos makapaniwala sa mga awards na ibinibigay sa kanya.

"Hindi ko akalain na international at sa Pilipinas nari-recognize ka bilang isang houseboy, elementary graduate lamang at itong narating ko para mag-international na."

Dagdag ni Chef Boy, "Tinatanong ko nga si Lord, puwede palang ganoon. So wala talagang imposible kapag nagbigay siya ng biyaya. Lahat ng 'yan ay galing po sa Panginoon kaya nagpapasalamat ako sa US International Film Video Festival na nabigyan ng award at sa Lyceum na na-recognize na sa munting nagawa ko hindi ko akalain na ganoon kalawak ang aking matanggap kaya maraming salamat po." 

MORE ON CHEF BOY LOGRO AND IDOL SA KUSINA:

LOOK: Chef Boy Logro, from dishwasher to Kusina Master

Bettinna Carlos, grateful that 'Idol sa Kusina' serves as an inspiration to viewers