Showbiz News

Bea Binene on the story of 'Tsuperhero': 'Kada tao makaka-relate sa bawat eksena'

By AEDRIANNE ACAR

 

 

Excited na ang Kapuso love team na sina Derrick Monasterio at Bea Binene para sa pinakabago nilang TV project na superhero comedy series na Tsuperhero.

Sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras sa DerBea ngayong Huwebes ng gabi, October 27, sinabi ni Bea na maraming tao ang makaka-relate sa kanilang show.

Aniya, “Makaka-relate din ‘yung mga jeepney drivers, ‘yung masa na hindi lang mga bata pati ‘yung mga pamilya, nanay, tatay, kasi kada tao makaka-relate sa bawat eksena.”

Mukha din nagkakamabutihan na ang DerBea at umamin ang Kapuso actress na nag-e-enjoy siya na palaging makasama si Derrick.

“We are enjoying each others company. Nothing is impossible naman,”

Para naman sa Kapuso hunk na si Derrick Monasterio na dream come true ang role niya sa Tsuperhero, “Parang ang invincible mo, nang feeling [bilang isang superhero],”

Ang Tsuperhero ay orihinal na konsepto ng Kapuso comedy genius na si Michael V.

MORE ON 'TSUPERHERO':  

Derrick Monasterio aminadong na-conscious ng isinuot ang kaniyang 'Tsuperhero' costume

EXCLUSIVE: Betong Sumaya nagkuwento kung papaano dinamayan ng buong 'Tsuperhero' cast si Alma Moreno sa pagsubok na kinakaharap nito

'EXCLUSIVE: Gabby Concepcion pahinga muna sa mga heavy drama roles