Showbiz News

READ: Kylie Verzosa on winning the Miss International crown: 'Philippines, this is for you'

By AEDRIANNE ACAR

Hindi pa rin makapaniwala ang Pinay beauty queen na si Kylie Verzosa na siya ang itinanghal na 2016 Miss International 2016 sa Japan.

Siya ang ika-anim na Filipina na nag-uwi ng titulo.  

Sa panayam ng mga Kapuso anchors na sina Jessica Soho at Mike Enriquez sa 24 Oras ngayong gabi, October 27, sinabi ni Kylie na marami daw siyang hirap na pinagdaanan para makamit ang pinakamimithing korona.

“Hindi ko pa siya... I cannot describe it. I was so shocked. Dahil I could not believe it,  I really could not believe it.”

Dagdag ni Kylie, “Jessica, kasi pinaghirapan ko talaga ‘to. Alam mo ang dami kong pinagdaanan, ang dami kong hirap na sinuong para makuha ito. Pag ensayo sa stage,”

Hindi pa daw alam ni Kylie kung kailan siya makakauwi ng bansa pero excited na siya sa kaniyang homecoming.

“Hindi ko po alam, pero you know I’m looking forward… And I cannot wait to share this with you.”

Nagbigay din siya ng mensahe sa lahat ng mga Pinoy na sumuporta sa kaniya sa Miss International pageant at nag-iwan din siya ng advice para sa mga kabataan.

“To the Philippines, maraming maraming salamat po sa lahat ng support niyo, nakita ko po lahat. Sa mga kabataan, mag-aral kayo ng mabuti, dahil ang beauty hindi lang sa pisikal but mental as well… Maraming salamat sa lahat ng inyong suporta sa akin. And to the Philippines, this is for you.”

MORE ON KYLIE VERZOSA: 

Filipina Kylie Verzosa wins Miss International 2016

LOOK: 15 jaw-dropping photos of Miss International 2016 Kylie Verzosa