Showbiz News

READ: Carla Abellana naging emosyonal sa season ender ng 'Ismol Family'

By AEDRIANNE ACAR

Emosyonal ang Kapuso actress na si Carla Abellana dahil sa season ender ng Sunday night sitcom na Ismol Family.

Sa post niya sa Instagram, nagbigay siya ng mensahe para sa lahat ng mga Kapuso na sumuporta sa kanila sa loob ng mahigit dalawang taon.

“Paalam sa ngayon, Ismol Family. Dalawa't kalahating taon akong pinasaya ng husto nitong pamilyang to. Sana'y napaligaya din namin kayo. Hanggang sa muli. @ismolfamilygma”


Naiyak din ang award-winning comedy actress sa naging post ng co-star niya na si Miguel Tanfelix sa image-sharing platform.

Saad ni Miguel, “I was 15 and she (Bianca Umali) was 13 when we started Ismol Family while doing Niño. After 3 teleseryes and 3 mini series, we close a season on Ismol Family after 125 episodes. I am 18 and she's 16... we've grown. Happy to have spent most of my Tuesdays with this lady for 2yrs and 4months. #IsmolFamily #SeasonBreak #BiGuelForever #BiGuel #TeamBiGuel”


Nagbigay rin ng kani-kanilang mensahe sina Carmi Martin at Kevin Santos patungkol sa season ender ng Ismol Family.


MORE ON 'ISMOL FAMILY':

#IdealFather: 12 reasons why Ryan Agoncillo is a perfect dad

EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix, proud sa tagumpay ni Carla Abellana sa Alta Media Icon Awards   

LOOK: Ano ang early Christmas gift na natanggap ni Carla Abellana?