Showbiz News

Paolo Ballesteros, anong plano pagkatapos manalo sa Japan?

By BEA RODRIGUEZ

 

Nag-uwi ng Best Actor award si Eat Bulaga Dabarkads na si Paolo Ballesteros mula sa 29th Tokyo International Film Festival para sa kanyang pinagbidahang pelikula na Die Beautiful. Biggest break ito ng aktor sa direksyon ni Direk Jun Robles Lana.

Rumampa ang “Makeup Transformation King” sa red carpet bilang ang Hollywood star na si Angelina Jolie at hindi raw siya nakilala ng mga cast at crew sa after party.

LOOK: the price Paolo Ballesteros has to pay in order to transform into Angelina Jolie 

“After the red carpet, the next day, may party ang mga cast at iba’t ibang mga films. Sabi nila, ‘Did you know Angelina Jolie was here last night?’ Sa akin pa talaga sinabi ‘yun (laughs). Sabi ko, ‘That was me’ tapos hindi sila makapaniwala,” kuwento niya sa report ng Unang Hirit.

Bukod tangi ang ipinamalas niyang husay sa screen at sa red carpet kaya ginawaran rin sila ng Audience Award ng film festival. Taos puso ang pasasalamat ng actor-TV host, “Masaya dahil sobrang welcome kami doon sa second screening, parang a couple of weeks before ng festival [ay] sold out na siya.”

Malaking karangalan ang dinala ng Kapuso star ngunit focused pa rin siya sa longest running noontime show at sa unica hijang si Keira Claire kaysa ano mang mga proyekto.

“Priority ko kasi is Eat Bulaga kasi na-e-enjoy ko talaga siya,” pati ang pag-aalaga sa anak nito, “Ginagawa ko naman ‘yun sa bahay, ginagamit niya ang mga heels ko, mga wig ko, mine-makeup-an ko siya.” 

Plano rin ng King of Makeup Transformation na gumawa ng coffee table book. Congratulations, Paolo!

Celebs, netizens congratulate Paolo Ballesteros for his Best Actor win in the Tokyo International Film Fest