Showbiz News

'That's My Baes' ng 'Eat Bulaga,' nagpasalamat sa mataas na ratings ng 'Trops'

By BEA RODRIGUEZ

 

Consistent na mataas ang ratings at trending pa halos araw-araw ang pinakabagong serye sa umaga na pinagbibidahan ng That’s My Bae boys ng Eat Bulaga at ng baguhang aktres na si Taki Saito.

Umikot ang kuwento sa mga millenials at sa kasalukuyan ay may namumuong love triangle sa pagitan nina That’s My Bae grand winner na si Kenneth Earl Medrano, Taki at ang komedyanteng si Miggy Tolentino.

“Marami pa pong eksenang aabangan – kung si Kenneth mai-in love kay Taki, kung si Taki mai-in love kay Kenneth [o kung] si Miggy mai-in love kay Taki,” saad ni Kenneth sa opening segment ng longest running noontime show.

Flattered naman si Taki sa naging pag-amin ni Miggy, “Hindi ko na po ma-resist ‘yung pretty face niya kaya napasabi po ako ng ‘I like you’ [pero] buti na lang nalusutan ko po.”

 

Isa-isang namang nagpasalamat ang mga "baes" sa mga nanunuod ng kanilang show. Nagpasalamat si Kenneth sa salitang Cebuano sa walang sawang pagsuporta sa mga baes at kay Taki habang sa salitang Ingles namang bumati si Miggy, “[I] hope you enjoy [our show]. Have a spectacular day to all of you, guys! Thank you so much for the support.”

Lagi ring nasa top trending topics ang kanilang show kaya taos-pusong nagpapasalamat dito si Kim Last, “Maraming salamat sa involvement ninyo kasi sobrang active kayo sa Twitter, Facebook [at] Instagram. Halatang-halata na na-enjoy po kayo. Dahil diyan, mas gagalingan namin para sa inyo.”

“Makakaasa po kayo, mas maraming kilig moments po ang mapapanuod niyo,” dagdag ni Tommy Peñaflor.

Hindi rin nagpahuli sina Jon Timmons at Joel Palencia, “Maraming salamat po for the love and the support. Manuod po kayo, Mondays to Fridays, 11:30 a.m. bago mag-Eat Bulaga.”

MORE ON THAT'S MY BAE BOYS:

LOOK: 15 kilig photos of ‘That’s My Bae’ grand winner Kenneth Earl Medrano 

IN PHOTOS: Who’s your Bae sa That’s My Bae Grand Finalists?