TV

Ryza Cenon takes the role of the other woman in upcoming Afternoon Prime series

By MICHELLE CALIGAN

Isang panibagong hamon ang haharapin ni Ryza Cenon sa kanyang career ngayong kasama siya sa isang GMA Afternoon Prime series. Makakatrabaho niya sa naturang teleserye sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion, sa direksyon ni Laurice Guillen.

READ: Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon, magsasama-sama sa isang teleserye

Gaganap si Ryza bilang third party sa relasyon ng characters nina Sunshine at Gabby, kaya naman magkahalong pressure at excitement ang kanyang nararamdaman.

"Medyo, may kaunting pressure pero more on excitement. Na-excite ako kasi iba 'to sa lahat nang gagawin ko. It's a new role for me, sobrang importante na role sa story. Sobrang nae-excite ako paglaruan ang character ko," kuwento niya pagkatapos ng kanilang story conference.

Hindi naman daw natatakot ang aktres na makahon sa pagiging isang kontrabida.

"May times naman doon sa story na ikaw ang magiging bida, may kontrabidang dadating doon, panibagong character. I don't think na mala-lock out ako sa pagiging kontrabida."

Balak din daw ni Ryza na ibahin ang atake niya sa role na other woman.

"Ita-try kong i-suggest na not too sexy. Gusto ko medyo may pagka-class pa rin. Para hindi na lang laging kapag sinasabing kabit is ganun lang ang itsura. ibahin natin ang pagiging kabit ngayon."

MORE ON RYZA CENON:

Ano ang ginagawa ni Ryza Cenon para sa street children tuwing Pasko?

Ryza Cenon, thankful na mapabilang sa pelikulang "Ang Manananggal sa Unit 23B"