Showbiz News

WATCH: Janine Gutierrez, may comment tungkol sa pagbabalikan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla

By AL KENDRICK NOGUERA

Magsasama sina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica sa mini-series ng Usapang Real Love na ipinapalabas sa GMA tuwing Linggo ng gabi.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ni Janine ang nakaka-excite na istorya ng episodes nila ni Aljur sa nasabing programa.

Bahagi ni Janine, "Tungkol siya sa officemates na magkalaban pala para sa isang promotion so medyo asaran, kulitan."

Kuwento ni Janine, komportable na raw siyang makatrabaho si Aljur kaya naman biniro niya ang aktor tungkol sa pagkakabalikan nito kay Kylie Padilla. "Sabi ko lang sa kanya, kaya pala masayang-masaya ka ngayon. Natatawa tawa lang [siya]," anang Kapuso actress.

Matatandaang nagsama na noon sina Janine at Aljur sa Dangwa noong nakaraang taon.

Panoorin ang kabuuan ng interview.

Video from GMA News

MORE ON JANINE GUTIERREZ:

WATCH: Janine Gutierrez, nabigla sa pagka-sexy ng costume niya sa 'Encantadia'

WATCH: Janine Gutierrez on her break-up with Elmo Magalona: "He's in a new place with new people"

WATCH: Janine Gutierrez, ipinasilip ang kanyang condo unit