Showbiz News

WATCH: Miss International 2016 Kylie Verzosa, naluha nang makabalik sa Pilipinas

By AL KENDRICK NOGUERA

Mula Japan ay nakabalik na ng bansa si Miss International 2016 Kylie Verzosa kagabi, November 11.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, mainit daw na sinalubong ng mga Pilipino si Kylie. Tila naluha raw sa kasiyahan ang beauty queen nang makita ang kanyang mga magulang sa Ninoy Aquino International Airport.

Ibinahagi ni Kylie ang naging parte ng kanyang mga magulang sa pagkapanalo sa prestihiyosong beauty pageant. Aniya, "They know how much I've been through and how much we've been through. All the hard works, all the struggles, they know my secrets, I want to thank them for everything that they've been doing for me."

Lubos namang ipinagmamalaki si Kylie ng kanyang ina na si Gemma Raquel Fausto. Saad niya, "It's actually just starting to sink in that Kylie has brought pride to the country. It's no longer for the family [and] for Baguio, it's now for the Philippines. And we are so proud."

Si Kylie ang ika-anim na Pilipina na nakasungkit ng Miss International crown.

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.

Video from GMA News

MORE ON KYLIE VERZOSA:

LOOK: Kylie Verzosa's first official photo as Miss International 2016

WATCH: Kylie Verzosa's crowning moment in the Miss International 2016

WATCH: Ang pak na pak na sagot ni Kylie Verzosa sa speech round ng Miss International