TV

Sunshine Dizon, masaya sa pagbabalik sa GMA Afternoon Prime

By MICHELLE CALIGAN

Namaalam man siya bilang Adhara sa Encantadia, labis naman ang tuwa ni Sunshine Dizon sa kanyang pagbabalik sa GMA Afternoon Prime block. Siya ang bibida sa Ika-6 na Utos, kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion at Ryza Cenon.

READ: Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon, magsasama-sama sa isang teleserye

"It's always good to be back on that spot [GMA Afternoon Prime]. Nagsimula ako sa hapon, at 'yung niche ko is nasa hapon talaga, mga mommies na naiiwan sa bahay, sina Ate. It's good to be back on GMA Afternoon Prime," kuwento ng aktres pagkatapos ng kanilang story conference.

Maraming manonood ang makaka-relate dito, at aminado rin si Sunshine na pati siya ay nakaka-relate sa kuwento ng isang babaeng may asawang nagkaroon ng extra-marital affair.

"As an actor, I am always welcoming challenging roles and out-of-the-box characters. May mga similarities, pero I'm not one to turn down juicy roles and beautiful stories. So we'll see."

Makakasama rin sa Ika-6 na Utos sina Mike Tan, Rich Asuncion, Carmen Soriano at Daria Ramirez, sa direksyon ni Laurice Guillen.

MORE ON 'IKA-6 NA UTOS':

Ryza Cenon takes the role of the other woman in upcoming Afternoon Prime series