Showbiz News

Aiai Delas Alas, bakit ginawaran ng Papal medal ng Vatican?

By BEA RODRIGUEZ

Tinanong ni Sunday PinaSaya host Wally Bayola ang kanyang co-host na si Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas kung ano ang ginawa nito at bakit siya pinangaralan ng Papal medal ng Vatican


Natawa lang raw ang Kapuso actress dahil hindi niya rin inaasahan ang award na ito, “Si LORD lang nakakaalam ng plano nya for me. Kung ano man ‘yun ay nanalangin ako [nang] mataimtim na mapaglingkuran ko ang inang simbahan sa abot ng aking makakaya [at] ng buong pagpapakumbaba.”
 
Sa pamamagitan ng pananaliksik, napag-alaman ng aktres na ang “Pro Ecclesia et Pontifice” medal o ang “Cross of Honor” ay ipinagkakaloob ng Roman Catholic Church sa taong nagbigay ng kanyang katangi-tanging serbisyo sa simbahan at sa namumuno nito. 


Tinanggap ng Kapuso actress ang Papal award noong Sabado, November 12 sa Cathedral of Good Shepherd sa Quezon City kung saan dinaluhan ito nina Alden Richards, Wally Bayola, Jose Manalo at Megastar Sharon Cuneta.
 
Kasalukuyang itinatayo ang sponsored church ng aktres, ang Kristong Hari Parish sa Quezon City.
 
READ: Aiai Delas Alas, pinasalamat sa kanyang malaking donasyon sa pinapatayong simbahan