Showbiz News

WATCH: Richard Gomez, umalma at inireklamo ang mga pulis

By LORIE RAMIREZ

Umalma at nagsampa ng reklamo si Ormoc Mayor at aktor, Richard Gomez, laban sa tatlong pulis na dating naka-assign sa Albuera Leyte.

Kabilang sa mga inireklamo ni Richard si Chief Inspector Leo Laraga ng CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) Eastern Visayas na nagbanggit ng pangalan ng aktor sa isang pagdinig sa senado kamakailan.

WATCH: Richard Gomez, drug protector umano ng mga Espinosa

READ: Ormoc City Mayor Richard Gomez responds to controversy linking him to drugs

“Ang pangalan ko, iningatan ko for over three decades… [hindi] para sirain lang sa isang imbestigasyon… Hindi naman niya vinerify na kasama ako and sinabi niya na puro hearsay lang ‘yung mga nalalaman niya pero nevertheless sinama pa rin niya 'yung pangalan ko,” ang paliwanag ng aktor.

Inireklamo rin niya ang dalawang pulis na nagpapirma 'di umano ng ready-made affidavit sa ilang tao para sabihin na may alam sila sa pagbebenta ng droga ng umano'y drug lord na si Kerwin Espinosa.

Suportado naman si Richard ng kanyang asawa na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

“This is the first time an issue as serious as drugs has been attached to his name, so this is politically motivated,” ang naging pahayag ng kabiyak ng aktor.

Sa huli, siniguro ni Richard na hindi siya titigil hangga't hindi nalilinis ang pangalan niya.

“I don’t feel good about this. Para i-implicate ako sa droga ng ganito ng pulis… laban ito. “

Panoorin ang kabuuang report ng GMA News:

Video from GMA News

MORE ON RICHARD GOMEZ:

Richard Gomez tells public to give artists like him a chance in politics

LOOK: Side by side photos of Raquim and Amihan's iconic scene in 'Encantadia'

Richard Gomez posts photo of Solenn Heussaff's painting in Ormoc City