Showbiz News

LOOK: Presidential son Baste Duterte kasama si Ellen Adarna sa Japan

By OWEN ALCARAZ

Sa kabila ng tila hindi mamatay-matay na usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng presidential son na si Baste Duterte at ng aktres na si Ellen Adarna, nag-post ang dalaga kamakailan lang sa kanyang social media account ng mga larawan kasama ang binata at ilang mga kaibigan habang nasa Japan.


Bagama't nauna nang sinabi ni Ellen na magkaibigan lamang sila ni Baste at matatandaang si Baste ay naiulat na may girlfriend, ang dating FHM model na si Kate Necesario. Naibalita na rin na mayroong anak na lalaki ang dalawa.

Kamakailan ay naging usap-usapan din sa social media kung ano na ang estado ng relasyon nina Baste at Kate.

MORE ON BASTE DUTERTE:

#FlashbackFriday: Baste Duterte's childhood photo with parents

Baste Duterte pays tribute to dad; claims the president-elect is his number one idol

WATCH: Five easy steps on how to look like Baste Duterte