Showbiz News

WATCH: Ang mala-prinsesang bridal shower ni Camille Prats!

By BEA RODRIGUEZ

Zero ang expectations ni Kapuso star Camille Prats sa kanyang princess-themed bridal shower na binuo ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Lumabas na successful ang plinanong party kaya naging masaya at memorable ito para sa bride-to-be.


“I’m very happy, as in sobrang na-appreciate ko lahat ng efforts. I’m also happy to see all my closest friends na nag-attend. Na-appreciate ko ‘yung effort nila of coming here and enjoying this night with me more than anything,” saad ng Mars host sa kanyang nakaraang bridal shower.

WATCH: Camille Prats, nakatanggap ng naughty bridal gifts mula sa GMA executives? 

Ang kanyang sister-in-law niya na si Isabel Oli-Prats ang isa sa mga nanguna sa pagbuo nito. Aniya, “Camille, stay in love with VJ. Don’t forget to put God in the center of your relationship. Always pray with VJ, and just always have fun.”

Malaki naman ang tiwala ng kanyang ina na si Alma Prats sa kanyang fiancé, “Alam ko naman na aalagaan ka ni VJ dahil sa pagkakakilala ko sa [kanya] ay prinsesa ang turing niya sa ‘yo.”

Excited rin siya na muling mabuo ang pamilya ng aktres at magkaroon na ng baby girl. Bilin ni Mrs. Prats, “Tandaan mo, ikaw pa rin ang prinsesa ko kaya kahit bumukod na kayo, sana always ka pa rin papasiyal sa amin. I love you!”

Second mom naman ang turing ni Camille sa kanyang malapit na kaibigan na si Yayo Aguila na nagbigay ng mensaheng: “all I can say is just be happy [and] embrace life.”

Hindi raw perpekto ang buhay may asawa ayon kay Yayo kaya: “I always keep telling you na ang buhay [ay] may ups and downs ‘yan, but at the end of the day, ang importante ay you love each other.”

Nagpasalamat ang Mars host sa heartfelt messages ng kanyang mga kaibigan at sa mga Mars na palaging nakasubaybay. Ani Camille, “Sobrang blessed ako to be a part of this wonderful show at makapiling ang mga Mars natin gabi-gabi. Thank you so much for all your love and for all your support. I will always love to share every milestone in my life with all of you.”

MORE ON CAMILLE PRATS:

Ogie Alcasid promises to sing for Camille Prats’ bridal march 

#onaVCation: Camille Prats and VJ Yambao shoot prenup photos in California 

Camille Prats reveals gown designer and planner for her upcoming wedding