Showbiz News

WATCH: Miss World-Philippines 2016 Catriona Gray, namili ng pasalubong para sa kapwa pageant contestants

By MARAH RUIZ

Dalawang buwan din ang naging paghahanda ni Miss World-Philippines 2016 Catriona Gray para sa Miss World 2016 pageant na gaganapin sa Washington sa Amerika.

Bahagi ng kanyang paghahanda ang isang magandang habilin mula sa kaunaunahang Filipina Miss World titleholder na si Megan Young. 

"I know its cliché, but she really just said: 'Be yourself. You're there for a month. You can't put on a facade. You can't fake from your core.'" pahayag niya sa 24 Oras.

Samantala, namili pa siya ng mga pasalubong para sa kanyang kapwa pageant contestants. Hahandugan niya ang mga ito ng mga pitakang gawa sa abaca mula sa kanyang hometown sa Albay.

Humingi naman ng mga suporta at dasal si Catriona para muling masungkit ng Pilipinas ang korona ng Miss World. 

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras

 

MORE ON CATRIONA GRAY:

2016 Miss World Philippines Catriona Gray's boyfriend expresses full support 

Miss World Philippines 2016 Catriona Gray advocates education, volunteers in Smokey Mountain