Showbiz News

WATCH: Mike Enriquez, pinarangalan para sa kanyang kontribusyon sa broadcasting

By MARAH RUIZ

Pinarangalan sa nakaraang Communication Excellence in Organization Excel Awards si 24 Oras anchor Mike Enriquez. 

Ang parangal ay para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng broadcasting at para rin sa kanyang mahusay na pamumuno sa RGMA, ang radio subsidiary ng GMA Network Inc. 

Bukod kasi sa pagiging news anchor, radio newscaster at TV host, siya rin ang tumatayong presidente ng RGMA. 

"Natutuwa naman ako na kinilala ng IABC ang isa sa mga ginagawa ko sa GMA. kasi ang alam lang ng mga tao 'yung ginagawa ko sa harap ng kamera at saka sa harap ng mikropono. Ang hindi nila alam ay responsibilidad ko ang buhay, kabuhayan ng mahigit limang daang tao sa RGMA," pahayag niya. 

Ang CEO Excel Awards ay iginagawad ng International Association of Business Communicators (IABC), isang organisasyon ng mga propesyonal sa larangan ng public relations at communications. 

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras. 

MORE ON KAPUSO AWARDS:

Kapuso stars and programs win big at PMPC Star Awards for Music, TV

GMA News TV's Reel Time wins 2016 Asia-Pacific Child Rights Award, gets Asia Rainbow TV nomination together with Naku, Boss Ko!