Showbiz News

Janno Gibbs commends Michael V & Ogie Alcasid's as Dolphy & Panchito in 'Bubble Gang'

By AEDRIANNE ACAR

Certified trending ang ginawang panggagaya nina Michael V at Ogie Alcasid sa mga comedy legends na sina Dolphy at Panchito sa '21 Gang Salute’ ng Bubble Gang noong nakaraang Biyernes, November 25.


Hindi matatawaran ang timing at husay ng dalawa na kahit ang OPM singer na si Janno Gibbs ay napabilib sa performance nina Michael V at Ogie. 

Nag-comment si Janno sa Instagram account ng Kapuso comedy genius at sinabi nito, “Great job on the Dolphy Panchito w Ogie pre! @michaelbitoy !”

Nag-reply naman si Bitoy at miss na miss na raw ang kaibigan. Saad niya, “Thanks brod! Sa totoo lang, naalala kita habang ginagawa namin 'yon. Miss ko na kayo makatrabaho uli.”

MORE ON 'BUBBLE GANG':  

WATCH: Which PPAP version is better, Michael V or Jacky Woo's?

WATCH: Michael V's 'Pen Pineapple Apple Pen' video hits 2.7M views in less than a week

IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'