Showbiz News

Aljur Abrenica to Janine Gutierrez: 'The more you hate, the more you love'

By BEA RODRIGUEZ

Bakit sinabihan ni Kapuso hunk Aljur Abrenica ang kanyang leading lady na si Janine Gutierrez ng “the more you hate, the more you love” sa pinagbibidahang nilang mini series na Usapang Real Love Presents “Relationship Goals?”

Ipinakilala ng tisay na aktres ang kanyang role sa serye, “Ako si Yapi, I’m super goal-oriented, career-oriented, competitive [at] naka-focus sa work kasi pangarap ko na makuha ‘yung promotion para makapasiyal ako sa ibang bansa [at] mag-grow on my own.”

Samantala, Kiso naman ang pangalan ng karakter ng Kapuso actor na mula sa south office ng kanilang kumpanya.

Lingid sa kaalaman ng dalawa nang sila ay magkakilala sa isang restaurant, iisang kumpanya lang pala ang kanilang pinagtatrabahuan at pareho pa silang kino-consider ng kanilang boss para maging Head of Merchants ng Shoppers.com.

Salaysay ni Janine, “Nagkita kami once tapos super nag-click lang kami tapos the next day pagpasok ko sa trabaho, malalaman ko na siya pala ‘yung kalaban ko dun sa job.”

IN PHOTOS: Aljur Abrenica at Janine Gutierrez, magkalaban?

Presko ang dating ni Kiso sa kuwento kaya panay ang kanyang pang-aasar sa dalaga, “Nagko-compete kami sa mga advertisers na makuha namin, paramihan kami. Then sa competition na ‘yun, dun kami nagsimulang magka-debelopan. Lagi kaming nag-aasaran [at] na-attract ako sa pagkatao niya.”

Subaybayan ang Kapuso stars sa kanilang comeback project bilang magka-love team kada Linggo ng 5.pm.

LOOK: Aljur Abrenica at Janine Gutierrez, muling magtatambal sa ‘Usapang Real Love’

LOOK: Comeback project nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez sa ‘Usapang Real Love,’ nag-trend sa Twitter!