Showbiz News

WATCH: Martin del Rosario at Christian Bautista, nagbigay ligaya sa mga bata

By FELIX ILAYA

Hindi lang kagwapuhan ang taglay ng Kapuso talents na sina Martin del Rosario at Christian Bautista sapagka't mayroon din silang busilak na kalooban.

Para sa birthday ng aktor na si Martin, pinili niyang i-celebrate ito kasama ang children with special needs sa Bagong Pag-asa Elementary School, Quezon City. Sinabi ni Martin na sanay daw siyang makihalubilo sa mga batang gaya nila.

 

Aniya, "May cousin ako na special child din so close kami noon 'eh so simula noon, sanay na sanay ako sa pakikipag-usap sa kanila."

Bumisita naman si Christian Bautista sa Missionaries of the Poor, isang NGO (Non-Governmental Organization) na nangangalaga sa mga batang inabandona. Pumunta dito si Christian upang ibahagi ang kaniyang blessings na kaniyang natanggap para sa Pasko at nagpamigay rin siya ng books and school supplies.

"I believe na learning and education is very important. Although ang dami-dami ng mga cellphone games, ang dami dami ng mga pwede mong gawin sa YouTube, iba pa rin 'yung natututunan mo sa libro."

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras:

Video from GMA News

MORE ON MARTIN DEL ROSARIO and CHRISTIAN BAUTISTA:

Martin del Rosario learns to ignore comments about his sexuality

Bakit hindi niligawan ni Martin del Rosario si Kylie Padilla?

Christian Bautista and girlfriend Kat Ramnani celebrate first anniversary