Showbiz News

LOOK: Maricris Garcia, sinorpresa nina Regine Velasquez at Aicelle Santos ng isang bridal shower

By FELIX ILAYA

Kaunting tulog na lang at ikakasal na ang Kapuso singer na si Maricris Garcia sa kaniyang "itinadhana" na si TJ Cruz. Ngunit bago mangyari 'yon, responsibilidad ng kaniyang Maid of Honor na si Aicelle Santos na bigyan siya ng bridal shower that she will never forget.

Upang maging unforgettable ang bridal shower na ito, tinulungan ni Regine Velasquez si Aicelle para isorpresa ang bride-to-be. Tingnan ang ilang kuha mula sa bridal shower ni Maricris below:

 

 

 

 

 

 

Ayon sa post ni Maricris, pinatawag daw siya sa taping ng Sarap Diva. Hindi niya alam na iyon na pala ang kaniyang surprise bridal shower. Nagpasalamat din siya kila Regine at Aicelle for bringing everyone together and pulling it off.

Maliban kina Regine at Aicelle, ang iba pang celebrity guests na nakadalo sa kaniyang bridal shower ay sina Max Collins, Jerald Napoles, Rita Daniela, Jaya, at Kyla.

Si Maricris ay nakatakdang ikasal sa ika-16 na Desyembre, 2016.

MORE ON MARICRIS GARCIA:

Maricris Garcia engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend 

Maricris Garcia lauds Aicelle Santos's courage to fulfill dreams 

LOOK: Who are the "mean girls" of 'Someone To Watch Over Me'?