Showbiz News

MUST-READ: Chito Miranda, naging emosyonal nang maiuwi ang first baby

By MARAH RUIZ

Sa wakas ay naiuwi na ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig sa kanilang sariling tahanan ang kanilang baby na si Miguel.

Si Miguel ang panganay ng mag-asawa at isinilang siya noong November 23. 12 days ang inilagi ni Miguel at ni Neri sa ospital simula panganganak.

Naging emosyonal ang first-time dad na si Chito at ibinahagi ang kanyang mga kuro-kuro sa pag-iiba ng kanyang priorities sa buhay sa pamamagitan ng isang Instagram post.


Narito ang buong mensahe ni Chito:

"Home at last.

Miguel spent his 1st 12 days sa hospital. Sobrang stressful para sa amin ni Neri pero at least naalagaan sya ng maayos.

Now we're finally home.

Sabi ng mga kaibigan ko na may mga anak, iba daw talaga ang pakiramdam pag magka-anak ka na.

Totally ibang level daw ng pagmamahal ang mae-experience ko.

Sobrang totoo, chong. Iba pala talaga.

I thought I already knew what to expect pero nung tinamaan ako, na-overwhelm ako kung gaano katindi yung pagmamahal na naramdaman ko, hindi lang para sa baby namin, pero pati na rin sa asawa ko mismo.

Yung solid confirmation na masasabi mo talaga sa sarili mo na handa kang ibigay lahat, pati ang buhay mo, para sa asawa mo at sa anak ninyo.

Iba yung taranta at yung pag-asikso. Wala ka talagang paki kung gaano ka kapagod or kapuyat basta comfortable yung mag-ina mo.

Iba bigla yung dasal mo. Iba bigla ang priorities mo. Iba bigla yung tingin mo sa mundo.

Everything else becomes trivial.

OA diba? Chong ganun talaga eh...at alam ko na nage-gets ako ng mga kapwa magulang ko.

Basta solid."

MORE ON CHITO MIRANDA:

LOOK: Meet Chito Miranda and Neri Naig's baby boy

Chito Miranda, humingi ng paumanhin sa nasiko niya habang inaalalayan ang buntis na asawa