Showbiz News

MUST-READ: PAMI bans Baron Geisler and director Arlyn dela Cruz

By MARAH RUIZ

Isang 'di inaasahang development ang naging bunga ng emergency meeting ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) ngayong araw, December 3, tungkol sa pag-ihi umano ni Baron Geisler sa kanyang kapwa artista na si Ping Medina sa set ng indie film na Bubog.


"Breaking: The Professional Artist Managers, Inc. ("PAMI"), after thorough discussion and deliberation of the complaint launched by Ping Medina, unanimously agreed to inhibit their artists from accepting projects involving Baron Geisler and Director Arlyn dela Cruz," sulat ni GMA showbiz reporter Nelson Canlas sa kanyang Instagram account. 

Sa desisyong ito, hindi muna tatanggapin ng mga talent managers ang anumang proyekto para sa kanilang mga mina-manage na artista kung may involvement dito si Baron. 

Kaakibat nito, hindi rin nila papayagang magtrabaho ang kanilang mga talents kasama ang direktor na si Arlyn dela Cruz.

Ito raw ay dahil sa kabiguan niya bilang producer at director na maagapan o makontrol ang sitwasyon sa set ng kanyang pelikula. 

Sa kasalukuyan, hindi pa nalinaw ng PAMI kung gaano katagal ipapatupad ang ban sa dalawa.

MORE ON THE GEISLER-MEDINA FEUD:

Baron Geisler, nagpaliwanag sa pambabastos umano kay Ping Medina sa isang pelikula

"Ping Medina does not deserve what you did" - Direk Arlyn Dela Cruz's message to Baron Geisler