Showbiz News

WATCH: Ano ang Christmas wish ng Kapuso celebs?

By BEA RODRIGUEZ

Ibinahagi ng ating mga Kapuso stars ang kanilang tanging hiling ngayong nalalapit na ang Pasko.

Si Ultimate Star Jennylyn Mercado ay busy sa kaliwa’t kanan niyang showbiz commitments kaya patungkol sa kalusugan ang kanyang hiling, “Wish ko [tuloy-tuloy] lang ‘yung good health, and ‘yung career. Ang dami kong ginagawang trabaho, ako lang mag-isa so kailangan kong hindi magkasakit.”

LOOK: Jennylyn Mercado and Barbie Forteza earn their stars at German Moreno’s Walk of Fame 

Si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza naman ay kakabalik lang galing Estonia kung saan tinanggap niya ang kanyang international best actress award. Inukit rin ang kanyang pangalan sa Philippine Walk of Fame sa Eastwood City kamakailan lamang at may paparating pa siyang show sa susunod na taon.

 

Talagang inulan ng blessings ang teen actress kaya ang hiling niya ay “sana magkaroon ako ng time for myself, sana kahit one day lang, I have a day for myself to do what I want, ‘yung wala akong hinahabol na schedule or trabaho.”

Simple lang din ang hiling ni Kapuso newcomer at Meant to Be star na si Mika dela Cruz, “Gusto ko lang maraming-maraming pagkain sa Pasko, iPhone 7 at saka makasama ang mga mahal ko sa buhay.”

IN PHOTOS: Meet Mika Dela Cruz 

Samantala, wish come true raw para kay Bubble Gang star Sef Cadayona ang mapabilang sa upcoming romantic-comedy series.

Aniya, “Actually, natupad [na] eh kasi nagkaroon ako ng show na Primetime pero sa wish, siyempre, madaming blessings sa family ko [at] sa work.”

Video from GMA News

WATCH: Ilang Kapuso stars, nagbigay ng mungkahi para magkaroon ng magic ang Pasko 

GMA Network encourages viewers to believe in the Magic of Christmas in its new campaign