Showbiz News

WATCH: Drew Arellano at Iya Villania, magiging host ng game show na 'People vs. The Stars'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa ginanap na pictorial ng bagong game show ng GMA Network na People vs. The Stars, ipinakita nina Drew Arellano at Iya Villania ang kanilang kakulitan bilang mag-asawa sa likod at harap ng camera.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago, ang People Vs. The Stars ay ang game show na magbibigay ng saya at papremyo sa mga Kapuso na aabot sa Php 200,000. 

Ito ang programa kung saan magpapakita ng talas ng isip ang kanilang mga players. Pagsisimula ni Drew, "They need to answer actually a couple of very tricky questions." 

Ibinahagi naman ni Iya kung paano puwedeng manalo ang mga Kapuso home viewers. Aniya, "Dito ichi-cheer nila na sana maging mali kasi 'pag mali, kung ano 'yung kalakip na pera, mapupunta naman sa taong bayan. So 'yun 'yung exciting dito." 

MORE ON DREW ARELLANO AND IYA VILLANIA:

Kulit celebrity family goals: Drew Arellano, Iya Villania, and Antonio Primo

#CasaArellano: The home of Drew Arellano, Iya Villania, and Baby Antonio Primo