Showbiz News

WATCH: Triple winner ng 'Wowowin,' personal na nagpasalamat kay Willie Revillame

By CHERRY SUN

Noong November 30, Wednesday, muling bumisita sa GMA Network studio ang triple winner ng Wowowin upang personal na magpasalamat kay Willie Revillame.

Namukhaan ni Kuya Wil sa kanyang audience ang ikalawang nagwagi ng mega jackpot prize sa kanyang programa. Dito na nakakuha ng oportunidad sina Bernard Sambajon, Jr., Eunice Valdez, at Caselyn Callos na iparating ang kanilang sadya sa Wowowin host. 

Panimula ni Bernard, “Nais ko lang pong magpasalamat ng personal sa inyo kasi nabigyan niyo kami ng magandang simula para sa aming tatlo. Ngayon, sinisimulan na namin ‘yung mga pangarap namin sa munting napanalunan namin. Nang dahil sa Wowowin, nabuksan.. may nagbukas na pinto sa amin, sa bawat isa, na magsimula at dahil ito sa programang Wowowin. Salamat po ng marami kay Kuya Wil.”

EXCLUSIVE: Bernard Sambajon, Jr., tumatanaw ng utang na loob sa lolo at lola

“Nagpapasalamat din ako sa’yo ng personal kasi noong nanalo kami hindi ako nakapag-thank you sa’yo. Nahihiya ako kasi. Kuya Wil, salamat sa lahat ng tinulong mo kahit malungkot pa rin kasi hindi ko na-win back ‘yung mama ko. Bale ‘yung napanalunan ko, pang-start nalang po sa aming magkakapatid at sa Papa ko,” bahagi naman ni Eunice.

EXCLUSIVE: Eunice Valdez, umaasang mabuo muli ang kanyang pamilya

Maiyak-iyak naman nagbigay ng mensahe si Caselyn. Aniya, “Sobrang ganda [ng bahay] kaya sobrang thank you. Hindi ako makapaniwala nung na-tripping ko ‘yung bahay. Sabi ko nga, 20, 30 years akong mag-a-abroad, hindi ko ‘yun makukuha. Ngayon eto na, paalis ako mga two weeks nalang po, paalis akong Dubai. Babalik ako, meron na akong  magandang titirahan. Thank you sa Wowowin, thank you po.”

EXCLUSIVE: Caselyn Callos, inuuna ang mga magulang at anak bago ang sarili

Napagdesisyunan nilang tatlo na ang isang milyong piso ay mapupunta kay Eunice, ang sasakyan ay iuuwi ni Bernard, samantalang ipagkakaloob naman kay Caselyn ang house and lot.


MORE ON THE TRIPLE WINNER:

EXCLUSIVE: Contestants na galing sa broken families, nagkaisa para maging triple winner sa Wowowin 

EXCLUSIVE: Triple winner ng Wowowin, naramdaman ang sincerity ni Willie Revillame

IN PHOTOS: Ang triple winner ng mega jackpot prize sa Wowowin 

Tags:
wowowin