Showbiz News

READ: Ano ang pinakaaabangan ni Gabbi Garcia sa kaniyang debut party ngayong gabi? 

By AEDRIANNE ACAR

Isang magarbong celebration ang naghihintay para sa mga dadalo sa debut party ni Kapuso actress Gabbi Garcia sa Marriott Hotel Grand Ballroom sa Pasay City ngayong gabi, December 6.

Sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras sa event stylist ng debut ni Gabbi na si Teddy Manuel, nag-kuwento ito sa magiging theme ng party ng Encantadia star. 

Saad ni Teddy, “Ang pinaka-major elements ng design namin ngayon is geometric.  So kung makikita niyo we use a lot of geometric lines, very symmetricals. We use around [mga] hundreds of ribbons,”

Hindi naman maiwasan kabahan ni Gabbi sa debut niya, pero mas looking forward daw siya na makasama ang lahat ng mga tao na pinakamamahal niya ngayong gabi. 

Ani Gabbi, “Nervous pero mas nangingibabaw ‘yung excitement as in. I can’t wait to see everyone special and dear to me, tonight na magkakasama sa iisang venue. 'Yun talaga ‘yung pinakaabangan ko.”

Ano naman kaya ang espesyal na gagawin ng nali-link sa aktres na si Ruru Madrid para sa magandang dalaga? 

“Itong debut niya parang naisip ko na gusto ko ‘yun ‘yung magiging night niya. Magiging special sa kaniya ‘yung night niya and parang lahat ng attention sa kaniya lang talaga.” 

MORE ON GABBI GARCIA DEBUT:

WATCH: Gabbi Garcia, sinukat ang isa sa kanyang tatlong debut gowns na gawa ni Mark Bumgarner