Showbiz News

WATCH: 'Bubble Gang' star Michael V may mensahe para sa international singer na si Lady Gaga 

By AEDRIANNE ACAR

Ramdam ni Michael V ang mainit na suporta ng mga Kapuso netizens sa bago niyang viral video, kung saan ini-spoof nila ang hit single ng OPM band na Up Dharma Down. 

Certified trending kasi ang ginawa nilang parody song na ‘Tadyakan’ at daang libo na ang views nito online. Kahit ang lead vocalist ng Up Dharma Down na si Armi Millare ay tuwang-tuwa sa spoof ng gag show sa kanta nilang ‘Tadhana.’ 

Sa panayam ng 24 Oras kay Michael V kagabi, sinabi nito malaking boost daw ang pagiging viral hit ng 'Tadyakan.'

Aniya, “‘Na-appreciate ko rin sila lalo [laughs] kasi kapag nag-viral ‘yung isang video, ‘yung isang materyal na ginawa mo, malaking boost, hindi lang sa akin personally, kundi pati sa show,”

Masaya din daw siya na kahit si Armi Millare nagustuhan ang ginawa nilang parody song. 

Saad ng Kapuso comedy genius, “Kahit siya natuwa nai-kuwento niya na pati ‘yung nanay niya ngayon lang uli  narinig na tumawa nang ganun parang bruha daw ‘yung tawa, ganun ‘yung description niya.” 

Matatandaan na gumawa din ng parody song si Bitoy na halaw sa hit single ng pop superstar na si Lady Gaga na ‘Bad Romance.’ 

Kaya nag-biro ito na ready naman siyang maka-usap ang international singer kung sakaling na-offend siya sa ginawa nilang pag-spoof ng hit song nito.  

“At wala namang nao-offend. Si Lady Gaga, Lady Gaga kung nanonood ka at mayroon kang reklamo sa parody ko, text mo lang ako o i-email mo lang ako sasagot naman ako.” 

MORE ON 'BUBBLE GANG':  

Why is Armi Millare of Up Dharma Down afraid to sing her own song 'Tadhana'?

#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss 

IN PHOTOS: Nine guys we terribly miss watching on 'Bubble Gang'