Showbiz News

Gabby Concepcion, itinangging ayaw niyang magkaroon ng reunion movie with Sharon Cuneta

By MICHELLE CALIGAN

Itinanggi ni Kapuso actor Gabby Concepcion na siya ang dahilan kaya hindi matuloy-tuloy ang reunion movie nila ng dating asawang si Sharon Cuneta.

READ: “2014 is the most horrible, worst year of my life” – Sharon Cuneta

"Ida-drop ko lahat (laughs). Siyempre hindi ko naman iiwan 'tong grupo natin [Ika-6 Na Utos], pero talagang matagal ko na ring gustong gawin 'yun. Sabi nga nila, mayroon akong nababalitaan na ako daw ang may ayaw. Sabi ko imposible. Hinding hindi puwede na ako ang maging dahilan kung bakit hindi matutuloy 'yun," pahayag niya nang usisain siya ng press tungkol dito.

Aniya, ito nga daw ang unang proyekto na gusto niyang gawin pagbalik niya ng Pilipinas.

"In fact, nung unang dating ko dito, gusto ko sana 'yun na ang una kong pelikula. Hinihintay ko na lang. Pero wala pang tawag ang kahit na sino para ituloy na talaga. Ako walang problema. Baka story, I think story ang problema."

Abala ngayon si Gabby sa dawalang Kapuso shows, ang Ika-6 Na Utos at Tsuperhero.

READ: Gabby Concepcion, first time na bibida sa isang Afternoon Prime series

MORE ON GABBY CONCEPCION:

Gabby Concepcion dedicates FAMAS win to deceased dad

WATCH: Sgt. Cruz ng 'Tsuperhero' naka one-on-one si Tata Lino