Showbiz News

LOOK: Aiai Delas Alas keeps her promise to Gabbi Garcia

By BEA RODRIGUEZ

“A promise is a promise” at “promises are not made to be broken” ayon kay Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas kaya hindi niya pinalampas ang birthday celebration ng kanyang inaanak na si Kapuso rising star Gabbi Garcia.

“Nakahabol din ako kahit tapos na ang party. Sabi ko sa kanya, ‘Inaanak, hahabol ako kahit ano [ang mangyari]’,” saad ni Aiai sa kanyang post.

IN PHOTOS: Stars flocked to debut party of the year, Gabbi Garcia’s 18th 

Sa debut ng 18-year-old actress, gandang-ganda ang komedyante sa kapwa niya Sunday PinaSaya mainstay. Aniya, “Nakita ko naman [siya] sa kanyang debut. Ang ganda-ganda [niya] sa gown [niyang] green.”

WATCH: Gabbi Garcia, sinukat ang isa sa kanyang tatlong debut gowns na gawa ni Mark Bumgarner 

May pahabol pang sweet na mensahe ang Comedy Queen, “[You’re] a lady now. Stay beautiful and sweet and congratulations sa lahat ng mga blessings mo. Happy 18th [birthday], Gab!”

Binati rin ng Kapuso star ang ka-love team ng young actress na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong December 4, “To my anak Ruru, belated Happy [Birthday] din. I love you both and God bless you more.”


READ: Ruru Madrid says ‘I love you’ to Gabbi Garcia in birthday greeting 

LOOK: Ruru Madrid, sinalubong ang birthday kasama si Gabbi Garcia