Showbiz News

WATCH: Kilig moments nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid sa #SincerelyGabbi

By FELIX ILAYA

Sa special night ni Gabbi Garcia last December 6, present ang kaniyang ka-love team na si Ruru Madrid to make her debut extra special.

Bago daw magsimula ang #SincerelyGabbi, biniro daw ni Ruru ang debutante na hindi daw siya makakarating sa party kaya't nagkaroon ng kaunting "LQ" ang dalawa.

Ngunit nang makarating naman doon si Ruru, very gentleman-like naman siya kay Gabbi. Sa grand entrance nga ni Gabbi ay naka-abang na si Ruru para salubungin siya.


WATCH: Gabbi Garcia's grand entrance by encantadia2016

Parte din ng 18 Roses si Ruru at siya ang napiling maging pang 17th rose. Panoorin ang kanilang nakakakilig na dance and "kiss" below:


WATCH: Gabbi Garcia's 17th rose by encantadia2016

At kahit paos si Ruru, nakuha niya pang haranahin ang debutante. Inawit niya ang kantang "You and I" ni John Legend at sa huli ay nag-iwan pa ng sweet na mensahe para kay Gabbi.


WATCH: Ruru Madrid sings John Legend's "You & I" by encantadia2016

"Nasubaybayan ko 'yung career ni Gab and feeling ko, super lucky ko na ako 'yung naging ka-love team niya kasi alam naman nating lahat na si Gab; she's very nice, super ganda niya. Hindi ko ine-expect na aabot sa point na ganito, na makakantahan ko na siya. Sana 'wag ka magbago, alam ko na sobrang love mo 'yung craft mo and matutupad mo lahat ng dreams mo kasi alam ko na sobra kang magtrabaho, binibigay mo ang lahat. Every time na nakikita mo 'yung fans mo, nakikita ko na super love mo sila and lalong-lalo na 'yung family mo kapag nagkaka-kwentuhan tayo, sinasabi mo sa akin lagi na mahal na mahal mo sila. Kaya tito at tita, super love ko siya, as a friend. Siya kasi 'yung best friend ko, wala akong best friend kahit noong high school pa ako, feeling ko siya lang 'yung best friend ko na parang habangbuhay 'di ko kayang mawala siya. Kaya Gab, happy happy birthday, this is your night. Lagi mong tatandaan na I'm always here for you and mahal na mahal kita," taos-pusong wika ni Ruru.

MORE ON #SINCERELYGABBI:

IN PHOTOS: Gabbi Garcia's debut, #SincerelyGabbi 

READ: Kylie Padilla, Sanya Lopez and Glaiza de Castro's birthday wishes for Gabbi Garcia 

Ano ang mga mamahaling gift na natanggap ni Gabbi Garcia sa kaniyang debut?