TV

Jaclyn Jose, mala-militar na ina?

By CHERRY SUN

Istrikto, mataas ang expectations sa mga anak, at may malasakit sa pagpapatuloy ng tradisyon at apelyido ng kanyang pamilya. ‘Yan ang single mom na si Major Maye Aguinaldo, ang karakter na gagampanan ng award-winning actress na si Jaclyn Jose sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo, December 11.

Lumaki si Maye sa isang military family. Ang lolo niya, militar. Ang tatay niya, militar. Ang asawa niya, militar din. At tila sa kanya na magtatapos ang legacy ng kanyang pamilya.

Sa tatlo kasi niyang anak na lalaki, ang dalawang mas nakakatanda ay parehong beki. Ang tanging pag-asa na lamang ni Maye na magkakapagpatuloy ng kanilang apelyido ay ang kanyang bunsong anak. Tila sensitive daw ito pero mukha namang straight.

Pero, ano kaya ang gagawin niya kung ang bunsong anak ay tila natutulad na rin sa kanyang certified beki brothers?

Samahang maloka si Jaclyn, Eugene Domingo, at iba pang stars ng Dear Uge ngayong Linggo, December 11, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.