Showbiz News

WATCH: Camille Prats, ikinuwento kung paano siya nagsimula sa showbiz

By BEA RODRIGUEZ


Nasa murang edad pa lang ang Kapuso star na si Camille Prats nang malaman niya kung ano ang gusto niya maging paglaki.

Kuwento ng aktres sa kanyang TV show, “Mars, ‘yung pangarap ko talaga na maging artista, started when I was about four years old or basta noong nagkaisip ako at nakapanood ako ng TV. Alam ko na talaga na gusto ko nang mag-artista.”

Naging very supportive naman sina Mommy Alma at Daddy Daniel sa kanyang pangarap at malaki ang pasasalamat ng dating child star, “Kung hindi siguro ako pinagtiyagaan ng Mommy ko na dalhin sa mga VTR’s, auditions, hindi ko mararating ‘yung pangarap ko, and it’s something that I really owe to them kasi hindi ko siya magagawa mag-isa.”


Ang tiwala ng kanyang mga magulang ang nagpalakas ng kanyang loob, “Apart from the fact na siguro it was destiny, my parents played a big part in it na sinuportahan nila ako. Sila ‘yung unang-unang naniwala sa kakayahan ko; otherwise, hindi nila ako pagsasayangan ng oras, Mars.”

Natatandaan pa ng 31-year-old actress ang kanyang mga pinagdaanan bilang aspiring artist, “Talagang nagko-commute kami para lang makarating sa auditions, pipila kami ng halos buong araw para lang mag-audition ako sa commercial na extra lang ako tapos sasabihin lang ng Mommy ko na ‘Okay lang ‘yan, sa susunod mas maganda na ‘yung role.’”

Ang karera niya ngayon ang bunga ng pagtiyatiyaga niya at ng kanyang mga magulang noon, “I still get to do what I love to do, to be a part of this industry. It’s all because of them. Without them, malamang wala ako ngayon dito.”

Saad ng Mars host sa show, “Mom and Dad, I’m proud to be your child because kung sino man ako ngayon, lahat ng iyon ay dahil sa inyong dalawa, sa pagtiyatiyaga niyo, sa walang sawang pag-aalala, pagpapaalala [at] pagtuturo sa akin.”


MORE ON CAMILLE PRATS:

LOOK: Camille Prats, nakasungkit ng bituin sa Walk of Fame pagkatapos ng 23 years sa showbiz 

Camille Prats’ second shot in showbiz 

WATCH: Camille Prats at James Blanco, takot iwan ang showbiz!