Showbiz News

WATCH: Nora Aunor, gustong makasama ang mga anak sa Pasko

By CHERRY SUN

Siksik ang schedule ni Nora Aunor ngayong darating na Kapaskuhan, ngunit may tanging hiling ang Superstar.

Magiging abala si Nora dahil kabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanyang pelikulang Kabisera. Aniya sa panayam ng 24 Oras, ipinagmamalaki niya ang pelikulang ito.

“Nandito ‘yung [extra]judicial killings, ‘yung mga nangyari. Como ang asawa ko na si Ricky Davao ay isang kapitan sa lugar namin. Parang ganun na nga na may napag-iinitan kahit walang ginagawa, so ‘yun ang tema ng pelikula,” wika niya.

Hanga rin daw si Ate Guy sa kanyang nakatrabahong producer at kapwa artista na si RJ Agustin.

“Ako’y nagulat nga sa kanya nung magka-eksena kami, nung sinampal ko siya dahil si RJ, nasa puso pa rin ang pagiging artista. At magaling na artista si RJ,” dugtong niya. 

Kahit busy man dahil sa MMFF, magkakaroon daw siya ng simpleng selebrasyon sa kanyang bahay. Siya daw ang magluluto ng kanyang ihahanda sa Pasko, at sana ay mabisita raw siya ng kanyang mga anak.

Wika ni Nora, “Iba pakiramdam kapagka-buong pamilya mo nandoon, mga anak mo, kung sino mang pamilya mo.” 

“Hindi mo pwedeng sabihing hindi masaya, ganun. Sobrang kasiyahan. Hindi mo man makita sa akin pero nasa puso ko lang ‘yun,” dagdag pa niya.  

 

Video from GMA News

MORE ON NORA AUNOR:

#Throwback: What are Nora Aunor's favorite things?

LOOK: Nora Aunor, dumalo sa misa para kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani

Tambalang '60s: Guy and Pip