Showbiz News

Yasmien Kurdi, ayaw paniwalaan ng anak na si Ayesha na kasama siya dati sa 'Encantadia'

By MICHELLE CALIGAN

Si Yasmien Kurdi ang gumanap bilang Mira sa 2005 version ng Encantadia, pero hanggang ngayon ay hindi naniniwala ang anak niyang si Ayesha Zara na naging bahagi ang aktres ng iconic telefantasya.

 

IN PHOTOS: 'Encantadia' then and now

Sa isang Instagram post ng Sa Piling Ni Nanay actress, ikinuwento niya na tuwang tuwa si Ayesha na magkaroon ng picture kasama si Kylie Padilla na siyang gumaganap bilang Amihan ngayon.

 

"Ayiiieee! Wala na [akong] utang sa'yo baby. Nakita mo na at naka-picture ang idol mong si Amihan. Thanks Kylie! Pero hanggang ngayon, ayaw pa rin maniwala ng anak ko na part ako dati sa cast ng Encantadia kahit ipakita ko pa sa kanya paulit-ulit mga pics ko bilang Mira," saad niya sa caption.

Ang young actress na si Kate Valdez ang gumaganap ngayon bilang si Mira

MORE ON YASMIEN AND AYESHA:

LOOK: Ayesha Zara celebrates 4th birthday like a queen

EXCLUSIVE: How Yasmien Kurdi manages her time between family and career