Showbiz News

Rosanna Roces marries girlfriend, Blessy Arias; Nora Aunor among principal sponsors

By GIA ALLANA SORIANO

Nagpakasal muli si Rosanna Roces sa kanyang partner na si Blessy Arias. 


Sa mga nakaraang interview ng aktres, sinabi nito na matagal na silang magkakilala ni Blessy. 15 years old si Rosanna samantalang 19 years old naman si Blessy nang magkakilala sila.


Nagpakasal ang dalawa sa Alexa’s Secret Garden sa Antipolo City.  Bago ito, nauna nang kinasal ang dalawa sa Canada.

Samantala, ilan sa mga bisita na dumalo ay ang indie director na si Adolf Alix Jr., aktres na si Daria Ramirez, dating host ng GMA talk show na StarTalk na si Butch Francisco, at ang Superstar na si Nora Aunor na nagsilbing isa sa mga principal sponsor.