Showbiz News

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, may payo sa mga career woman na tulad niya

By BEA RODRIGUEZ


“Goal-oriented, career-oriented, competitive [at laging] naka-focus sa work” ang paglarawan ni Kapuso star Janine Gutierrez sa kanyang karakter na si Yapi sa pinagbibidahang serye na Usapang Real Love presents “Relationship Goals.”

EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, love o career ang uunahin? 

Masasabi niyang peg niya ang kanyang ginagampanang role, “Nakakatuwa si Yapi kasi talagang she knows what she wants and gagawin niya lahat para makuha ‘yun.”

Eyes on the prize ang klase ng motivation ni Yapi dahil sa promotion na maari niyang makuha sa kanyang trabaho bilang bagong Head of Merchants na mabe-base sa Canada. Kinailangan niya lang talunin ang dalawang grupo na qualified rin para sa posisyon.

READ: Janine Gutierrez and her blossoming career 

Nakaka-relate dito si Janine, “When it comes to work, siyempre you do your best [kasi] masuwerte ka for the opportunities being given to you katulad nitong URL.”

Ito ang kaunahang beses na gumawa ng romantic-comedy soap ang dalaga kaya lubos siyang nagpapasalamat, “I’m so happy na pina-guest nila kami ni Aljur kasi sobrang saya ng experience, magaan, sobrang masaya sa set [at] ang ganda ng script. It’s really funny.”

Natural ang pagganap ng aktres sa serye kahit first time niyang sumbak sa comedy. Ano na kaya ang mangyayari sa kanyang karakter na nasisante?

Tunghayan ang huling episode ng URL ngayong Linggo ng 5 p.m.

LOOK: Aljur Abrenica at Janine Gutierrez, nahahati sa love at career?